Image result for boracay beach

                             
           

                                Pagpapahalaga ng Turismo ng Pilipinas 

Bawat bansa ay may ipinagmamalaking mga magagandang lugar. Mga lugar na nagtataglay ng mga nakakamanghang mga tanawin. Dito sa Pilipinas maraming mga lugar na dinarayo ng mga turista dahil sa taglay nitong kagandahan ng tiyak na kamamanghaan mo. Mahalaga ang torismo sa Pilipinas dahil nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng bayan at ng bansa. Maraming mga matatagpuang Beach Resorts dito sa Pilipinas isa na diyan ang sikat na Boracay na nagtataglay ng malinis at asul na dagat at kulay Perlas na buhangin. Hinda rin mawawala ang mga ngiting sasalubong sayo mga ngiting magsasabing “maligayang pagdating”. Dahil sa kahalagahan ng turismo sa bansa puspusan ng pag-aalaga ng mga Pilipino lalo na ng mga sangay ng Gobyerno tulad ng DENR at DOT na siyang tumitingin at nangangalaga sa kalikasan ng Pilipinas. Maraming nang mga lugar dito sa Pilipinas na napabilang sa mga pinakamagandang lugar sa buong mundo at pinakamagandang halimbawa na diyan ang pagkabilang ng Palawan Underground River sa Seven Wonders of the World.

Ito ay magandang halimbawa kung gaano kahusay ang pag-aalaga ng mga Pilipino sa kanilang likas na yaman. Ang pagkakaroon ng magagandang tanawin ay gaya ng pagkakaroon ng limpak-limpak na kayamanan. Sa panahon ngayon dahil na rin sa paglago ng industriya ng Pilipinas ay naaapektuhan na rin ang ating kalikasan,kabi-kabilang mga minahan na nagiging dahilan ng pagkasira ng kapaligiran. Ngunit sa kabila nito kabi-kabila naman ang protesta laban dito. Kung lalago ang turismo,tiyak na lalago din ang bansa na ang tayong makikinabang ay ang mga Pilipino. Kapag patuloy na pinangalagaan ang mga magagandang tanawin ay patuloy din ang pag-unlad ng ating bansa. Hindi matutumbasan ng pera ang taglay na yaman ng ating kalikasan. Matutong pahalagahan ang ating kalikasan upang mapapahalagahan din tayo nito pabalik. Patuloy na paunlarin ang ating bansa upang buhay natin umunlad din.


               http://yestodra.blogspot.com/2017/06/ng-turismo-ng-pilipinas-bawat-bansa-ay.html

Comments